Seatmate
Ang lahat ay nagsimula
Noong
tayo’y mga bata pa,
Grade III tayo, sa aking pagkakatanda,
Sa iisang klasrum ay magkasama.
Sa upuan magkatabi tayong dalawa,
Madalas inaaway mo ako ng sobra,
Hihingi lang ng papel, kala mo kung sino
na,
Kaya si Ma’am, madalas pagalitan ka.
Lumipas ang ilang taon,
Sinasadya at ang pagkakataon,
Pati nung hayskul, magkasama tayo,
Sa iisang klasrum, magkatabi na naman tayo.
Ang sabi mo pa, “Sawa na ako sa mukha mo!”
Kaya naman lalo kong nainis sayo,
Di ko maabot kayabangan mo,
Gaya ng dati, magkaaway tayo.
Ngunit
isang araw, di kita nakita,
Bakante ang katabing upuan, pagkat ika’y
wala,
Kalungkutan aking nadama,
Tanong sa sarili, “Bakit kaya?”
Nung sumunod na araw, gaya pa rin ng dati,
Wala ka pa rin sa aking tabi,
Labis na nagtaka, nasaan ka na?
Yan tuloy, hinahanap ka.
Mga kaklase natin tinukso ako sayo bigla,
Na miss daw kita, ngunit ako’y dedma,
Hanggang sa aming malaman,
Nagtransfer ka na sa private na eskwelahan.
Di man alam kung anong dahilan,
Nang iyong biglaang paglisan,
Ngunit nakadama akong kalungkutan,
Sapagkat di ka nanasusulyapan.
Pero sadyang mapaglaro ang tadhana,
Kala ko di na tayo magkikitang dalawa,
Ang akala ko’y mali pala,
Dahil ngayo’y sa campus ika’y nakita.
“Long time no see”, ang iyong sinabi,
Ang yabang mo pa din, grabe!
Mas tumangkad ka lang at pumuti,
Pero walang nagbago sa iyong ugali.
Kagaya ka pa din nung batang paslit,
Na inaaway ako at parang laging galit,
Ngumingiti na lang ako kahit pilit,
Pag naaalala kong ikaw yung aking naging seatmate.
No comments:
Post a Comment